Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi, nakipagtagpo sa puno ng IOC

(GMT+08:00) 2013-11-20 08:59:46       CRI

Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Presidente ng International Olympic Committee (IOC) na si Thomas Bach.

Binati ni Xi si Bach sa kanyang panunungkulan bilang ika-9 na presidente ng IOC.

Pinapurihan din ng pangulong Tsino ang ginagampanang papel ng IOC sa pagpapasulong ng isports, kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

Tinukoy rin ni Xi na maaaring pasulungin ng isports ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng sangkatauhan. Aniya pa, ang diwa ng Olimpiyada ng solidaridad, pagkakaibigan at kapayapaan ay nakaugat sa kaibuturan ng puso ng mga mamamayang Tsino.

Binalik-tanaw rin ni Pangulong Xi ang matagumpay na pagdaos ng Tsina ng 2008 Beijing Olympic Games at Beijing Paralympics, at 2010 Guangzhou Asian Games. Binigyang-diin niyang magsisikap pa ang Pamahalaang Tsino para mapasulong ang kalusugan ng mga mamamayan, sa pamamagitan ng isports na pangmasa at isports na kompetetibo.

Ipinahayag din ni Xi na sa kasalukuyan, maayos na isinasagawa ng Tsina ang paghahanda para sa Ika-2 Youth Olympic Games na gaganapin sa Nanjing, Probinsyang Jiangsu sa Agosto ng susunod na taon. Kasabay nito, nagsumite na ang Beijing at Zhangjiakou, lunsod sa dakong hilaga ng Tsina, ng kanilang aplikasyon para sa pagdaraos ng 2022 Winter Olympics. Umaasa aniya siyang masasamantala ng Tsina ang pagkakataong ito para ibayo pang mapasulong ang paligsahan ng Olimpiyada at isports sa taglamig.

Ipinahayag naman ni Bach ang kanyang pasasalamat sa Pamahalaang Tsino sa suporta at ambag nito sa Olimpiyada at isports ng daigdig.

Sinabi rin ni Bach na ang Tsina ay ang unang destinasyon niya sapul nang manungkulan siya bilang presidente ng IOC. Nagpakita aniya ito ng kahandaan ng IOC sa pakikipagtulungan sa panig Tsino.

Sa isang seremonya pagkaraan ng kanilang pagtagpo, ginawaran ni Bach si Pangulong Xi ng Olympic Order in Gold, pinakamataas na gantimpala ng Olimpiyada, bilang pagkilala sa ambag ni Xi sa pandaigdig na isports at Olimpiks.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>