Sa regular na news briefing, hinimok ni Hong Lei, tagatagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Hapon na pahahalagahan ang kahilingan ng mga bansang Asyano sa isyu ng makasaysayang aklat-aralin.
Ayon sa ulat, noong isang linggo, iniharap ni Park Geun-hye, Pangulo ng Timog Korea na magkakasamang susulat ng makasaysayang aklat-aralin para malutas ang isyung panrehiyon sa kasaysayan.
Ipinahayag ni Hong na ang Tsina at Timog Korea at iba pang mga bansang Asyano ay biktima ng militarismong Hapones sa World War II. Aniya, dapat pakitunguhan nang tumpak ang kasaysayan lamang, saka malikha ng hinaharap. Dapat marinig ng Hapon ang kahilingan ng Asya at pagsisihan ang kasaysayang mapanalakay, nang sa gayo'y, natamo ang pagtitiwala ng mga kapitbansa at daigdig.