|
||||||||
|
||
Ipininid ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong ika-12 ng Nobyembre. Inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC, ang working report sa pulong na ito. Pinagtibay rin ng pulong ang desisyon ng Komite Sentral ng CPC sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma sa mga mahalagang isyu.
Kaugnay ng plano ng komprehensibong reporma na iniharap sa nasabing pulong, inanalisa ni Zhou Tianyong, Pangalawang Direktor ng Institute for International Strategic Studies ng Party School ng Komite Sentral ng CPC, ang hinggil dito. Sinabi niya na mayroon itong tatlong katangian. Una, ito'y komprehensibong plano na nagsasa-alang-alang sa hangarin ng iba't ibang panig ng Tsina. Ikalawa, ito'y tatagal nang mahabang panahon. Ikatlo, ito'y nakatuon sa mga mas mahirap at masalimuot na isyu.
Bukod dito, ipinalalagay rin niya na kinakaharap ng planong ito ang mga kahirapan. Una, mayroong mga sagabal ang pagsasagawa ng reporma. Halimbawa, ang mga vested interests group ay humahadlang sa reporma. Ikalawa, dapat pasulungin ang pagbubukas sa mas mataas na antas, ibig-sabihin, kailangang iugnay ang pagbubukas sa mga sistemang pandaigdig. Ikatlo, dapat ibayo pang palayain ang pananaw ng mga mamamayan para mas madaling tanggapin at katigan ang reporma.
Kaugnay ng reporma sa sistemang pangkabuhayan, tinukoy ni Zhou na ang nukleo ng nasabing reporma ay kung papaano hawakan ang relasyon sa pagitan ng pamahalaan at pamilihan, para mapasulong ang pagpapatingkad ng mas malaking papel ng pamilihan. Halimbawa, iniharap ng nasabing plano na dapat pasulungin ang state-owned economy, pasiglahin ang creativity ng mga non-public economy, pangalagaan ang property right, at buksan sa mga pribadong pondo ang mga aspektong pangkabuhayan na ari ng estado. Bukod dito, iniharap ng nasabing plano na dapat istandardisahin ang mga lupang pangkonstruksyon sa kanayunan at lunsod, at isagawa ang siyentipikong makro-kontrol.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |