|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na ipinalabas kahapon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula Enero hanggang Oktubre ng taong 2013, ang kabuuang bolyum ng pamumuhunang Tsino sa ibayong dagat na liban sa larangang pinansiyal, ay umabot sa 69.5 bilyong dolyares na lumaki ng 20% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2012.
Sa mga destinasyon ng pamumuhunang Tsino, ang bolyum ng pamumuhunan sa Hong Kong, ASEAN, Unyong Europeo, Australia, Estados Unidos, Rusya, at Hapon ay umabot sa 48.9 bilyong Dolyares na katumbas ng 70% sa kabuuang bolyum nito, at ang pamumuhunang Tsino sa ASEAN ay lumaki ng 25% kumpara sa taong 2012.
Bukod dito, halos 90% ng bolyum ng pamumuhunang Tsino ay pumasok sa limang pangunahing larangan na gaya ng serbisyo ng komersyo, pagmimina, retail trade, manufacturing, at konstruksyon.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |