Inilahad ngayong araw ni Pangalawang Ministrong Panlabas Cheng Guoping ng Tsina na pupunta si Premyer Li Keqiang sa Uzbekistan para dumalo sa Ika-12 Pulong ng mga Punong Ministro ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Tinukoy ni Cheng na masalimuot at nagbabago ang kasalukuyang situwasyong panrehiyon at pandaigdig, at mabagal na umaahon ang kabuhayang pandaigdig. Aniya, nasa masusing panahon ng pag-unlad ang SCO, at malaki ang inaasahan ng mga kasaping bansa ng SCO na mahanap ang pag-unlad sa pamamagitan ng kooperasyon sa naturang organisasyon. Sa naturang biyahe ni Premyer Li, ilalagom niya kasama ng mga lider ng iba't-ibang kasaping bansa, ang natamong progreso ng SCO sa iba't-ibang larangan noong isang taon. Malaliman aniyang aanalisahin ng mga kalahok na lider ang kinakaharap na situwasyon ng pag-unlad ng SCO, at isasakatuparan ang komong palagay ng Bishkek Summit. Idedeploy din aniya ang mahahalagang hakbangin para mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng organisasyong ito. Ipapalabas sa pulong ang "Magkakasanib na Komunike," dagdag pa niya.
Salin: Li Feng