Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tacloban airport, nagagamit na; higit sa apat milyon nasa labas ng evacuation centers

(GMT+08:00) 2013-11-21 18:33:50       CRI

BAGAMA'T maluwag na ang Tacloban City sa pagbubukas na muli ng paliparan nito, higit sa apat na milyong mamamayan ang naninirahan sa labas ng evacuation centers at nakarating na sa ibang mga pook tulad ng Cebu at Maynila. Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Activities, mayroong 387,450 ang naninirahan sa 1,552 evacuation centers. Sa pinakahuling pagtataya ng pamahalaan ay mayroong 13.25 milyon ang apektado ni "Yolanda" mula noong ika-8 ng Nobyembre.

Ang mga lansangan patungo sa Tacloban ay nagagamit na. Lumalawak na rin ang ferry service. Ang access sa malalayong barangay ay mahirap pa rin. Iba't ibang samahan ang nakapagbigay na ng tubig na maiinom sa may 160,000 katao sa Western Samar.

Ibinalita ng United Nations na hanggang kahapon ay nakalikom na sila ng USD 241.4 million mula sa 40 mga kasaping bansa, Central Emergency Response Fund, multilateral institutions, pribadong sektor at mga karaniwang tao. Mula sa halagang ito, ayon sa Financial Tracking Service na ang USD 128.9 ay para sa Typhoon Haiyan Action Plan. Layunin nilang makaipon ng US$ 301 milyon upang makapagsimulang-muli ang mga naging biktima.

Samantala, tinatayang may 4.6 milyong kabataan ang apektado ni "Yolanda." Marami sa kanila ang nakasaksi sa pinsalang idinulot nito sa kanilang mga tahanan, barangay at mga pamilyang natangay ng hangin at alon sa dagat. Hindi makapasok sa mga paaralan ang mga kabataan na hindi naa-asikaso ng mga magulang at maaaring maabuso at magipit.

Ito ang pananaw ng Save the Children, isang Non-Government Organization, na nagsabing kailangan pa rin ng mga pamilya ang pagkain, tubig at matitirhan sapagkat nararapat ding tugunan ang psychological needs ng mga kabataan.

Nagtutulungan na ang UNICEF at Save the Children sa pagkakaroon ng 11 child-friendly centers sa Leyte. Magtatayo rin sila sa Panay at mga koponan ng local staff at volunteers ang tatanggap ng pagsasanay upang tumugon sa pangangailangan ng mga kabataan.

Ayon kay David Bloomer, Regional Advisor ng Save the Children, sira ang mga barangay at nakaupo na lamang ang mga kabataan, walang ginagawa at walang napapakinabangan sa bawat maghapon.

Nanawagan siya sa mga nasa rescue at rehab operations na magkaroon ng puwang para sa mga kabataan upang makabawi sa malagim na karanasan. Binanggit na ng mga magulang at kinatawan ng pamahalaan ang pangangailangang makabawi sa malagim na karansan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>