|
||||||||
|
||
ISANG kalipunan ng mga civil society organizations sa buong daigdig ang kontra sa US$500 milyong reconstruction loan na iniaalok ng Asian Development Bank sa Pilipinas matapos hagupitin ng "Yolanda" noong nakalipas na ika-8 ng Nobyembre.
Unang lumabas ang balitang nag-ambag ang ADB ng US$ 23 milyon bilang grant assistance para sa madaliang pangangailangan ng mga biktima.
Samantala, ang NGO Forum on ADB, sa isang liham kay Pangulong Takehiko Nakao na kawalan ng pakiramdam at makasasama sa imahen ng ADB na mag-alok ng pautang na malabo ang termino at mga kondisyon sa halip na magbigay ng mas malaking grant sa pamahalaang problemado na sa pagtugon sa mga biktima.
Ayon kay Ryan Hassan executive director ng NGO Forum on ADB, kung nais ng ADB na makatulong, iminungkahi ng civil society groups na dagdagan ang grant allocaton na magpapabilis sa relief at rehabilitation programs at magsasaayos ng balangkas ng palatuntunan sa disaster preparedness at pagtugon sa nagaganap na climate change.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |