Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nakikiisa sa Pilipinas at sa mga biktima

(GMT+08:00) 2013-11-21 18:46:40       CRI

TULONG NG TSINA, NAIPAGKALOOB NA.  May halagang P 73 milyon ang relief goods na unang ibinigay ng Tsina sa Pilipinas.  Mayroong mga kumot at tolda na pakikinabanangan ng mga taga Central Philippines sa paketeng mula sa Tsina.  (PROC Photo)

DELEGADO NG RED CROSS SOCIETY OF CHINA TUTULONG DIN.  Na sa larawan ang mga kabilang sa Red Cross Society of China na tutulong sa Pilipinas.  Ipakakalat sila sa mga binagyong pook sa Sabado.  (PROC Photo)

SINABI ni Ginoong Zhang Hua, deputy political officer at tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na patuloy na nagmamasid ang Tsina sa mga nagaganap sa at nagsimula kaagad na magpakilos ng mga mamamayan upang paghandaan ang paglalakbay tungo sa mga apektadong pook sa Central Philippines.

Kabilang sa mga ipinatadala ng Tsina ang P 73 milyong halagang ipinangako na binubuo ng 10,000 kumot at 2,600 tolda na maaaring tirhan ng mula anim hanggang sampu katao at natanggap na ng Pilipinas kamakalawa.

Magpapadala na ang Tsina ng 80 mga manggagamot at narses sa disaster area. Isang arkiladong eroplano ang magdadala ng 2,000 tolda, gamot at mga kagamitan sa Sabado, ika-23 ng Nobyembre. Iiwanan na nila sa Pilipinas ang mga gamot at kagamitan sa pagtatapos ng kanilang paglilingkod.

Ipadadala rin ng Pamahalaang Tsino ang Peace Ark Hospital ship ang unang 10,000 toneladang barko sa daigdig. Mayroon itong 217 uri at 2406 units ng makabagong kagamitan na kinabibilangan ng CT Scan, digital X-ray photographic studio, blood bank, oxygen generation station, compressed air system, botika at iba pa. Mayroon din itong 300 ward beds na kinabibilangan ng 20 ICU ward beds, 109 ward beds para sa malubhang mga sugat, 67 burn ward beds, 94 na regular ward beds, 10 beds sa quarantine ward. Mayroon din itong tele-medicine diagnosis system at tatlong elevators na makapaglilipat ng mga sugatan sa barko.

Ibinalita rin ni G. Zhang na ang China Soong Ching Ling Foundation ay naghahanda ng 200 mobile houses na nagkakahalaga ng higit sa P 22 milyon ang ilalagay sa Leyte, Eastern Samar at Bohol.

Bumuo na rin ang mga kumpanya sa Tsina ng kanilang relief programs tulad ng Association of Chinese Companies in the Philippines ay naglaan ng P 7.5 milyon upang makabili ng tatlong payloaders upang malinis ang mga lansangan.

Kumilos kaagad ang Huawei na maibalik ang telecommunication facilities ng Globe at nagpadala na ng mga dalubhasa at mga enhinyero sa Tacloban. Nakapaglagay sila ng satellite phone system at naganap ang kauna-unahang tawag sa telepono palabas ng binagyong pook. Bukod sa pag-aalok ng tawag sa kanilang mga kamag-anak sa labas ng Kabisayaan, ibinigay na rin ng mga kawani ang kanilang baong pagkain.

Naglaan na rin ang China National Grid Company, ang technical partner ng National Grid Corporation ng USD 100,000 sa disaster area. Mayroon na ring mga technical experts na parating upang mapadali ang post-disaster efforts upang maibalik ang kuryente sa pinakamadaling panahon.

Ibinigay na rin ng Yinyi Inc., isang minahan sa Eastern Samar ang kanilang food supplies sa mga biktima at nagpahiram na rin ng kanilang mga payloader upang malinis ang mga lansangan. Ibinigay na rin nila ang kanilang krudo upang magamit ang iba pang mga sasakyan. Naglaan na rin sila ng P 250,000 cash, pagkain at mga damit sa dalawang television networks.

Ibinahagi na rin ni Liang Wen-chong, ang dating Asian Tour No. 1 professional golfer ang kalahati sa kanyang kinitang USD 135,000 o USD 67,500 na halos P 3 milyon sa mga biktima ni "Yolanda" matapos magwagi sa Resorts World Manila Masters.

Ayon kay G. Liang ikinalungkot niya ang naganap na bagyo noong nakalipas na linggo kaya't ibinibigay na niya ang kalahati ng kanyang premyo sa Philippine Red Cross bilang pakikiisa at pakikipagdalamhati sa mga naging biktima.

Idinagdag pa ni G. Zhang na minamadali ng Embahada ng Tsina ang pagpasok ng mga relief goods. Lumahok na rin ang Embahada sa pamamagitan ng pagbibigay ng P 1.2 milyong halaga ng emergency supplies na kinabibilangan ng mga radyo, emergency lights at flashlights sa mga nasalanta sa Leyte at Samar. Nagbigay na rin ng ayuda ang Embahada sa mga tauhang mula sa binagyong mga lalawigan.

Naapektuhan din ang Tsina sa lakas ng bagyong nagmula sa Pilipinas. Matapos ang trahedya, ipinarating ni Pangulong Xi Jinping at Foreign Minister Wang Yi ang pakikiramay kina Pangulong Aquino at Kalihim ng Ugyanang Panglabas Del Rosario. Ang Pamahalaang Tsino at Red Cross Society ay nagbigay na ng $ 200,000 emergency remittance upang makatulong sa mga relief efforts. Handa pa rin umanong tumulong ang mga Tsino ayon sa pangangailangan ng mga biktima.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>