|
||||||||
|
||
KUMILOS kaagad ang Catholic Bishops Conference of the Philippines matapos humagupit ang bagyong "Yolanda" sa Central Philippines. Bukod sa panalangin ay nanawagan sila sa mga obispo mula sa mga hindi naapektuhang pook na tumulong din sa mga naging biktima.
Ang pananampalataya ang pinagmumulan ng lakas at naging madali ang tugon ng mga obispo at mamamayan sa buong bansa.
Kitang-kita ang pakikiisa ng lahat ng mga mamamayan sa kanilang mga kababayang nagdusa sa napakalakas na bagyo.
Nagpasalamat siya sa Caritas Internationalis at Catholic Relief Services, at kay Cardinal Theodore McCarrick, isang Board Member ng Catholic Relief Services na dumalaw upang mabatid ang tunay na kalagayan ng mga nasalanta.
Nagpapasalamat siya sa iba't ibang bansang dumating at tumulong sa Tacloban. Umaasa si Arsobispo Palma na ang mga nakapanood sa telebisyon at nakabasa ng mga balita sa pahayagan ay makatutulong pa sa pinakamadaling panahon. Nadarama ng mga naging biktima na hindi sila nag-iisa.
Sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, maaaring idaan ang donasyon sa Caritas Internationalis at maging sa Catholic Relief Services. Mayroon ding mga samahang handang tumanggap ng tulong sa ngalan ng mga naging biktima, dagdag pa ni Arsobispo Palma.
Naniniwala siyang makababangon kaagad ang mga naging biktima at makalalakad ng may dignidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |