|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Hu An'gang, Puno ng Insitute for Contemporary China Studies, Tsinghua University, na ang pagbibigay-diin sa napakahalagang papel ng pamilihan ay hindi sumasagisag na makapangyarihan sa lahat ang pamilihan.
Sa katatapos na Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ng komunike na ipinalabas ng sesyon na ang reporma sa sistemang pangkabuhayan ay pokus ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, at ang nukleong isyu ay maayos na paghawak ng relasyon sa pagitan ng pamahalaan at pamilihan para patingkarin ang napakahalagang papel ng pamilihan sa pagbabahagi ng yaman, at mas mabuting patingkarin ang papel ng pamahalaan. Ito ay kauna-unahang pagkakataon para sa Tsina na nabanggit ang napakalahagang papel ng pamilihan sa opisyal na dokumeto.
Tinukoy ni Hu An'gang na sa loob ng nakaraang 20 taon na pag-unlad, unti-unting itinatag ng Tsina ang sistema ng sosyalistang market economy. Hanggang sa kasalukuyan, ipinasiya ng pamilihan ang 95% na paninda at serbisyo ng Tsina. Gumaganap ang pamilihan ng napakahalagang papel na magpapasulong ng Tsina na itatag ang isang mas malaking pamilihan ng buong bansa.
Kasabay nito, sa dokumento ng naturang sesyong, nabanggit rin ang makro-kontrol at pagsasaayos ng pamahalaan. Ito ay kahilingang panloob para patingkarin ang bentahe ng sosyalistang market economy.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |