Ayon sa hatol na ibinaba kahapon ng Constitutional Court ng Thailand, labag sa Konstitusyon ang panukalang pagsusog sa Konstitusyon ng bansa.
Ang nasabing panukala ay isinulong ng Pheu Thai Party (PTP) at mga kaalyado nito. Ipinalalagay din ng nasabing hukuman na ang nasabing panukala ay labag sa Constitutional monarchy at sisira sa balanse ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Thailand.
Ayon sa kasalukuyang Konstitusyon ng Thailand, kalahati ng mga Senador ng bansa ay ihahalal ng mga mamamayan, at ang natitirang kalahati ay pipiliin ng mga puno ng mga indipidiyanteng ahensiya. Pagkaraang maghari ang PTP noong 2011, patuloy itong nagsiskap, kasama ng mga kaalyado na susugan ang Konstitusyon para mahalal ang lahat ng Senador.