Ipinahayag kamakailan ni Wang Yuanhong, dalubhasa sa marco-economy ng State Information Center ng Tsina, na ang sistema ng pamamahala sa Tsina na iniharap ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay sumasaklaw sa kabuhayan, pulitika, lipunan, at iba pang larangan.
Ipininid sa Beijing noong Ika-12 ng Nobyembre ang nasabing sesyon at inilabas ang komunike hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma. Ipinahayag ni Wang na, sa larangan ng kabuhayan, binubuo nito ang sistema ng pananalapi, sistema ng pinansya, sistema ng seguridad panlipunan, at iba pa. Aniya pa, hindi lamang mababawasan ng bagong sistema ang mga hindi magandang elemento sa kasalukuyang sistema, kundi mailalatag din ang mabuting batayan para sa pagpapataas ng kakayahan ng pamamahala ng bansa.
Nang mabanggit ang pagsasaayos sa kabuhayan na gagawin sa hinaharap, ipinahayag ni Wang na ang nasabing pagsasaayos ay may kinalaman sa sistema at kakayahan ng pamamahala ng bansa. Tinukoy pa niyang ayon sa bagong sistema, ang mga larangang walang espisipikong atas mula sa pamahalaan na di-maaring buksan sa pribadong puhunan, ay maari nang paglagakan ng mga puhunang di-pampamahalaan. Ang ideyang ito aniya ay may malaking pagkakaiba kumpara sa dati. Aniya pa, natapos na ang reporma sa larangan ng mga produkto, ngunit, huli pa rin ang reporma sa interest rate, exchange rate, pamilihang kapital, at iba pang larangan. Ang mga ito ay pokus ng reporma sa hinaharap, dagdag ni Wang.