Nitong mahigit 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, natamo ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Sa susunod na 10 taon, ano ang direksyon ng reporma ng Tsina? Ang tanong na ito ang pinapansin ngayon ng mga mamamayang Tsino at buong dagidig. Ipinalalagay ni Pan Jiahua, Direktor ng Instituto ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Kalunsuran at Kapaligiran ng Chinese Academy of Social Science (CASS) na maliwanag na sinagot ang nasabing tanong ng "Desisyon ng Komite Sentral ng CPC Hinggil sa mga Mahalagang Isyu para Mapalalim ang Reporma." Ang naturang Desisyon ay pinagtibay ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC.
Sa larangan ng pangangalaga ng kapaligiran, ipinalalagay ni Pan na may ilang malaking breakthrough sa desisyon, halimbawa, ang pagbibigay-diin sa pagtatatag ng sistema ng ecological civilization, at maliwanag na pagpansin sa isyu ng "ecological red line." Dagdag niya, dahil ang Tsina ay kulang sa yaman, grabe ang pagkasira ng kapaligiran at polusyon, at malaki ang negatibong epekto ng mga ito sa pamumuhay ng mga mamamayan at pag-unlad. Kaya, mahalagang-mahalaga ang pagtatatag ng "ecological red line."
Bukod dito, binigyan-diin din ng desisyon ang reporma sa sistema ng pamamahala sa ekolohikal na kapaligiran. Ayon kay Pan, ang reporma ay may tatlong aspekto: una, patuloy na patitingkarin ang di-mapag-aalinlanganang papel ng pamilihan sa pagsasaayos ng yaman; ika-2, dapat mapabuti at mapalakas ang papel ng pamahalaan; at ika-3, dapat itatag ang maliwanag na legal na sistema at may kinalamang mekanismo at sistema, nang sa gayo'y, maliwanag at mabisang mapatingkad ang papel ng pamilihan at pamahalaan.
salin:wle