|
||||||||
|
||
Sinabi ni Lee na sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinalabas ang mosyon ng reporma na nagpapakita ng determinasyon ng liderato ng Tsina sa pagsasakatuparan ng pagbabago ng estruktura ng kabuhayang Tsino at pagsasakatuparan ng pangmalayuang sustenableng pag-unlad. Ang pagsisikap ng mga lider at mga mamamayan ng Tsina ay malakas na puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagsasakatuparan ng modernisasyon ng Tsina.
Ipinahayag ni Lee na maaaring hanapin ng Singapore ang bagong pagkakataon mula sa pag-unlad ng Tsina na magpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino; kasabay nito, ang Singapore ay maaaring maging bagong base ng mga bahay-kalakal ng Tsina na pumasok sa pamilihang panrehiyon at pandaigdig. Maaaring ibahagi ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ang karanasan ng pangangasiwa nila sa iba't ibang larangan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |