Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi, naglakbay-suri sa Silangang Tsina

(GMT+08:00) 2013-11-29 19:36:47       CRI

Mula ika-24 hanggang ika-28 ng buwang ito, magkakasunod na nilakbay-suri ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ilang lugar ng lalawigan sa Shandong at iba pang lugar sa Silangang Tsina. Ito ang unang beses na paglalakbay ni Xi sa labas ng Beijing pagkaraang gawin ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang komprehensibong pagdedeploy at pinakamataas na disenyo tungkol sa ibayo pang pagpapalalim ng reporma. Sa panahon ng kanyang paglalakbay, nakipag-usap ang pinakamataas na lider ng CPC sa mga karaniwang mamamayan upang hingin ang mungkahi nila na may kinalaman sa reporma. Ipinahayag ni Xi na matagumpay na natapos ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC, mayroon nang blueprint at sa susunod na hakbang, dapat unti-unting isakatuparan ang mga ito.

Sa service center ng mga migrant workers sa lunsod ng Jinan sa lalawigang Shandong, sinalubong si Xi ng isang migrant worker. Sinabi niya kay Xi na 10 taon na siyang nagtatrabaho sa Jinan at matatag ang trabaho at kita. Nakabili na siya ng isang bahay at magkasamang namumuhay sila ng kanyang asawa at anak sa Jinan. Gusto niyang malaman kung puwedeng ilipat ang Household Register sa Jinan mula sa nayon. Kaugnay nito, tinanong ni Xi sa mga personahe sa service center kung puwede siya ayon sa mga may kinalamang patakaran, at sinagot ng pulis doon na tamang-tama ang kalagayan niya ayon sa mga may kinalamang patakaran, aaprobahan ng mga may kinalamang departamento ang aplikasyon niya sa malapit na hinaharap.

Sa kasalukuyan, ang migrant worker na galing sa nayon na nagtatrabaho sa lunsod tulad ng nabanggit ay may mga 100 milyon. At tinukoy ni Xi, na hindi dapat maging pabigla-bigla kung pasusulungin ang urbanisasyon. Sabi niyang ang urbanisasyon ay hindi pagsasalusod ng lupa kundi pagsasalunsod ng populasyon. At ang pagsasalunsod ng populasyon ay hindi pinilit, kundi natural na natural.

Bukod dito, naglakbay-suri din si Xi sa lunsod ng Heze, Linqi at pinakinggan ang suggestion ng mga lider at mamamayan hinggil sa pagtatatag ng bagong sistemang komersyal ng agrikultura, reporma sa industriya ng logistics at iba pa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>