Idinaos kahapon sa Tashkent, Uzbekistan ang ika-12 Pulong ng mga Punong Ministro ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Nagpalitan ng palagay ang mga kalahok na punong ministro hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng kani-kanilang bansa at buong rehiyong ito, at kooperasyon sa loob ng SCO. Nagkaroon din sila ng mga komong palagay hinggil sa mga konkretong aspekto ng pagpapalakas ng kooperasyon sa kabuhaya't kalakalan, komunikasyon, at kultura.
Pagkatapos ng pulong, nilagdaan ng mga kasaping bansa ng SCO ang ilang mahalagang dokumento na sumusaklaw sa kooperasyong pinansyal, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalaran, kooperasyong pangkomunikasyon, at kooperasyon sa pagharap sa mga nakahahawang sakit.
Salin: Liu Kai