Magkakahiwalay na kinatagpo kahapon ng hapon sa Tashkent, Uzbekistan, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sina Punong Ministro Zhantoro Satybaldiyev ng Kyrgyzstan, Punong Ministro Serik Akhmetov ng Kazakhstan, at Punong Ministro Kokhir Rasulzoda ng Tajikistan.
Nakipagpalitan ng palagay si Premyer Li sa kanyang mga counterpart hinggil sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon. Nagpahayag din sila ng kahandaang palakasin ang bilateral na kooperasyon, at kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Shanghai Cooperation Organization.
Salin: Liu Kai