Ayon sa estadistikang ipinalabas kahapon ng panig opisyal ng Tsina, hanggang noong katapusan ng nagdaang buwan, umabot sa 40.43 milyon ang bilang ng mga rehistradong kabataang boluntaryo sa buong Tsina.
Sapul nang isagawa ng Tsina ang sistema ng rehistradong kabataang boluntaryo noong 1993, walang humpay na lumalaki ang bilang ng mga boluntaryong ito, at lumalawak ang kanilang serbisyo. Sa kasalukuyan, naglilingkod sila hindi lamang sa mga malayong lugar at lugar na kinaganapan ng kalamidad sa Tsina, kundi maging sa ibang bansa. Ayon pa rin sa isang di-kumpletong estadistika, noong isang taon, 690 milyong oras na serbisyo ang naipagkaloob ng naturang mga boluntaryo.
Salin: Liu Kai