Ang unang araw ng buwang ito ay ika-26 na pandaigdig na araw ng AIDS. Ayon sa pinakahuling datos na isiniwalat ng National Health and Family Planning Commission (NHFPC) ng Tsina, hanggang ika-30 ng Setyembre ng taong ito, 434 libong kaso ng HIV-infected patients at AIDS patients ang natuklasan sa Tsina. Mula noong Enero hanggang Setyembre ng taong ito, halos 90% ng bagong HIV-infected patients ay nahawa dahil sa pakikipagtalik. Bukod dito, lumalaki ang bilang ng HIV-infected patients sa mga kabataan at estudyante sa kolehiyo, ito ay nagiging bagong pangunahing hamon sa pagpigil at paggamot ng AIDS.
Ang pagtatalik, sa halip ng pagsasalin ng dugo, ay naging pangunahing paraan ng pagkalat ng AIDS sa Tsina. Noong araw karamihan ng nahahawa sa HIV o AIDS ay mga drug addicts, ngunit ngayon ito'y kumakalat sa mas maraming tao sa ibang pamamaraan. At ito'y nagdudulot ng kahirapan sa pagpigil ng naturang sakit.
Isinalaysay ni Wang Yu, Direktor ng Chinese Centers for Disease Control and Prevention na sa kasalukuyan, natamo na ng Tsina ang maliwanag na progreso sa pagpigil ng pagkalat ng sakit na ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo at sa pagitan ng ina at anak, pero dapat ibayo pang palakasin ang pagkontrol nito sa pamamagitan ng sexual transmission sa hinaharap.
Napag-alaman na sa kasalukuyan, mabilis na lumalaki ang proporsyon ng kaso ng man to man sexual transmission. Isiniwalat ni Shang Hong, Direktor ng Key AIDS Laboratory ng NHFPC na ayon sa imbestigasyon, lumalaki ang proporsyon ng kaso ng AIDS sa mga bakla. Aniya pa, 70% ng mga kaso ng HIV o AIDS sa mga estudyante sa kolehiyo ay dulot ng man to man sex, at ayon sa isa pang datos, 95% ng mga estudyanteng may HIV o AIDS ay lalaki.