Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Hong Lei, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, karamihan sa mga airline na dumaan sa Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea ay nagbigay-alam ng kanilang plano ng paglipad at pinapurihan ng Tsina ang kanilang konstruktibong pakikitungo at pakikipagkooperasyon sa ADIZ.
Sinabi ni Hong na ang kooperasyong ito ay may mutuwal na kapakinabangan at ito ay makakabuti hindi lang sa pangangalaga ng Tsina sa seguridad ng teritoryong panghimpapawid at pagpigil sa erroneous judgement, kundi maging sa kaligtasan ng paglipad ng mga airline, at sa kaayusang panghimpapawid sa East China Sea.
salin:wle