Bumisita ngayong umaga sa China Radio International (CRI) si Pangulong Viktor Yanukovych ng Ukraine para sa seremonya ng pagbubukas ng online radio ng CRI sa wikang Ukrainian at ika-5 anibersaryo ng pagbubukas ng Ukrainian Website ng CRI.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Yanukovych na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng Ukraine at Tsina sa lebel ng estratehikong partnership na pangkooperasyon. Natamo ang mararaming bunga ng dalawang bansa sa mga larangan ng pulitika, kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan at kultura. Sa prosesong ito, nagbibigay ng ambag ang Ukrainian Website ng CRI sa pagpapalalim ng pagkakabigan ng Ukraine at Tsina.
Natuwa ni Wang Gengnian, Presidente ng CRI sa pagdating ni Yanukovych, aniya, ang Ukrainian Website ng CRI ay tanging website dito sa Tsina na nagkakaloob ng mga serbisyo at programa sa wikang Ukrainian. Nakahanda itong maging mahalagang plataporma ng pagpapalalim ng paguunawaan at pagkakabigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
salin:wle