Sa pamamagitan ng dalawang araw na pagsusuri sa Ika-8 Pulong ng Intergovernmental Committee for the Safeguarding of the Intangible Cultural Heritage ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), naaprobahan kahapon ang paglalagay ng karagdagang 25 aytem sa listahan ng world intangible cultural heritage. Kabilang sa 25 nabanggit ang paggamit ng abacus o Zhusuan ng Tsina, paggawa at pagbabahagi ng kimchi ng Timog Korea, at kultura ng diyetang Washoku ng Hapon.
Sinimulang idaos noong ika-2 ng buwang ito sa Baku, kabisera ng Azerbaijan ang nabanggit na pulong. Ipinasiya rin sa pulong na ang calligraphy ng Mongolia, Paach ceremony ng Guatemala, tradisyon ng mga apelyado ng Uganda, at Chovqan--traditional horse-riding game ng Azerbaijan ay ilagay sa listahan ng world intangible cultural heritage na kailangang-kailangang pangalagaan.
Salin: Liu Kai