|
||||||||
|
||
Sa kabilang dako, para ipagdiwang ang kaarawan ng haring Thai, itinigil mula kahapon ng pamahalaan at paksyong kontra-gobyerno ng Thailand ang komprontasyon.
Hindi pa ipinatalastas ni Suthep Thuagsuban, lider ng demonstrasyong kontra-gobyerno, ang mga susunod na aksyon, pero pumupunta ngayon sa Bangkok ang maraming tao mula sa timog ng Thailand, para lumahok sa demonstrasyon.
Samantala, ipinatalastas ng Red Shirts, mga tagasuporta ng pamahalaan, na idaraos nila sa ika-10 ng buwang ito ang pagtitipun-tipon sa lalawigang Ayutthaya na malapit sa Bangkok. Ipinasiya rin nilang hindi pa pumunta sa Bangkok, para maiwasan ang sagupaan laban sa mga kontra-gobyerno.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |