Ipinahayag kahapon ni Yao Jian, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na inisyal na naitatag na ng Tsina ang plataporma ng malayang kalakalan na sumasaklaw ng mga kapitbansa at network ng malayang kalakalan na sumasaklaw sa iba't ibang kontinente.
Nitong ilang taong nakalipas, pinapalakas ng Tsina ang pagtatatag ng Free Trade Area. Sapul nang itatag ang China-ASEAN Free Trade Area(CAFTA) noong taong 2002, umabot na sa 18 ang bilang ng mga naitatag na Free Trade Area na sumasaklaw sa 31 bansa at rehiyon. Nalagdaan na rin ang 12 Free Trade Agreement(FTA), kabilang dito, , nasinimulan nang maisaoperasyon ang 10 FTA liban sa kasunduan sa Iceland at Switzerland. Samantala, nagtatalastasan pa para sa anim pang FTA. Kaugnay nito, ipinahayag ni Yao Jian na ang pagtatatag ng FTA ay puwedeng magbigay ng pakinabang sa lahat ng panig. Sinabi niyang ang pagtatatag ng FTA, unang una na, ay puwedeng magpasulong sa paglaki ng kalakalan at pamumuhunan sa mga katuwang ng malayang kakalakan; ika-2, puwede nitong pababain ang gastos ng operasyon ng mga kompanya, nang sa gayo'y, mapataas ang kakayahang kompetitibo ng mga kompanya sa pamilihang pandaigdig; Ika-3, puwedeng makapagkaloob ang FTA ng mas maraming pagkakataon sa kalakalan at pamumuhunan ng kompanya at magpasulong sa kooperasyon sa pagitan ng kapit rehiyon. Ika-4, puwedeng madagdagan pa ng FTA ang aktuwal na benepisyo at interes ng mga mamimili. Bakit aniya mayroon maraming prutas na trohipikal sa pamilihan ng Tsina, sa likod nito ay FTA, lalong lalo na CAFTA.
Ayon pa sa salaysay ni Sun Yuanjiang, pangalawang direktor ng departamentong panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, hanggang noong Oktubre ng taong ito, ipinaalam na ng mga bansa at rehiyon sa World Trade Organization ang paglalagda sa 221 FTA. Ipinalalagay niyang dahil depende sa isa't isa ang kabuhayan ng mga bansa, kailangang-kailangan ng mga ito ang magandang kapaligiran ng kalakalan at pamumuhunan; pero, hindi nagtamo ng anumang bunga ang Doha Round ng Talastasan nitong mahabang panahong nakalipas, kaya, pinili ng mga bansa at rehiyon na, batay sa sariling pangangailangan, interes at kapakanan, idaos ang talastasan ng FTA sa maliit na saklaw.