|
||||||||
|
||
DAHILAN sa tindi ng pinsalang idinulot ni "Yolanda" sa Pilipinas, nakapasa na sa Asian Development Bank ang US $ 500 emergency loan na magagamit ng Pilipinas sa madaliang pag-aayos ng iba't ibang pasilidad.
Sinabi ni Pangulong Takehiko Nakao ng Asian Development Bank na an gang trahedyang naganap ay tiyak na magpapahirap sa mga mamamayan. Kailangang matugunan ang pangangailan sa pabahay, pagkakakitaan at madaliang masanay ang mga biktima at magkaroon ng maayos na hanapbuhay kasanay ng mataas na uring rehabilitasyon at reconstruction.
Inaasahang magpapatuloy ang relief efforts hanggang sa susunod na taon kaya't magkakaroon ng problema sa pananalapi ang Pilipinas na tinamaan na ng 23 bagyo sa pagtatapos ng Oktubre, 2013 na sinabayan pa ng isang malakas na lindol.
Ayon sa pahayag na inilabas ngayon, kasama ng ADB ang Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas upang magkaroon ng emergency support sa pinakamadaling panahon at matulungan ang mga taong apektado ng bagyo. Limang priority areas ang tutustusan ng pautang tulad ng shelter at reconstruction, power restoration, livelihood at employment, resettlement at psychosocial care at environmental protection.
Naipadala na ang US $ 3 milyon mula sa Asia Pacific Disaster Response Fund. Mayroon pang US $ 20 milyon mula sa Japan Fund for Poverty Reduction na darating sa kalahatian ng Disyembre. Sa pagpapautang ng US $ 500 milyon, tiyak na umanong madadali ang recovery phase.
Bumuo ang ADB ng Typhoon Yolanda Response Team sa isa sa pinaka-apektadong pook upang suportahan ang pagpapatupad ng kanilang mga programa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |