Idinaos kahapon sa Cape Town, Timog Aprika, ang ika-4 na pulong ng mga nakakataas na kinatawan ng BRICS countries--Brazil, Rusya, Indya, Tsina at Timog Aprika, hinggil sa suliraning panseguridad. Lumahok sa pulong ang mga nakakataas na opisyal ng limang bansang ito na kinabibilangan ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Nagpalitan ng palagay ang mga opisyal hinggil sa kalagayang panseguridad ng rehiyon at daigdig, paglaban sa terorismo, information security sa internet, kaligtasan ng komunikasyon at transportasyon, at mga isyu ng Syria, Afghanistan, Iran, Aprika, at iba pa.