Ipininid kaninang tanghali sa Bali, Indonesya, ang Ika-9 na Pulong na Ministeryal ng World Trade Organization (WTO). Narating sa pulong ang kauna-unahang kasunduan hinggil sa multilateral na kalakalan sa kasaysayan ng WTO na tinatawag na "full Bali package."
Ang "full Bali package" ay kinabibilangan ng sampung dokumento na sumasaklaw sa pasilitasyon ng kalakalan, food security ng mga umuunlad na bansa, pagpapaunlad ng kalakalan ng mga pinaka-di-maunlad na bansa, at iba pa. Ang pagkakaroon ng "full Bali package" ay itinuturing na makasaysayang breakthrough sa 12-taong deadlock ng Doha Round Talks.