Pagkaraan ng isang araw na paghinto, nagpatuloy kahapon ang demonstrasyong kontra-gobyerno sa Thailand.
Sinabi kagabi ng mga lider ng demonstrasyon na ipagpapatuloy ang demonstrasyon at palalawakin pa ang saklaw nito. Anila pa, magiging mas maliwanag ang layunin ng demonstrasyon.
Sa harap ng kalagayang ito, lumalakas ang pananawagan para sa talastasan sa pagitan ng mga demonstrador at pamahalaan. Nanawagan kahapon ang 56 na miyembro ng mataas na kapulungan ng Thailand sa pamahalaan at mga lider ng demonstrasyon na hanapin ang solusyon sa kasalukuyang krisis na pulitikal sa pamamagitan ng talastasan. Nagharap naman ng petisyon ang organisasyon ng mga estudyente mula sa 14 na pamantasan ng Thailand na nananawagan sa pamahalaan at mga demonstrador na idaos ang bukas na talastasan.