Ipinahayag kahapon ni Pangulong François Hollande ng Pransya na itinalaga ng kanyang bansa ang 1600 kawal sa Gitnang Aprika para disarmahan ang mga militia at grupong militar na umaatake sa mga sibilyan ng bansang ito.
Ayon sa ulat, sinimulan na ng 1200 kawal Pranses ang pamamatrolya sa kabisera ng Gitnang Silangan.
Kamakalawa, ipinatalastas ni Jean-Yves Le Drian, Ministro ng Tanggulan ng Pransya, na ang aksyong militar ng kanyang bansa sa Gitnang Silangan ay tatagal nang 6 na buwan para mapanumbalik ang kaligtasan ng bansang ito at tulungan ang magkasanib na tropa ng mga bansang Aprikano na ipinadala roon.