Sa Kuala Lumpur, Malaysia--Nilagdaan dito kahapon ng Peace Panel ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Annex on Power Sharing.
Sinabi ni Teresita Deles, Presidential Adviser on the Peace Process, na nilagdaan ang naturang dokumento pagkatapos ng isang napakahirap na talastasan. Dagdag niya, igagarantiya nito ang pagsasakatuparan ng tunay at maisasagawang awtonomiya para sa Bangsamoro. Aniya pa, ipinakikita rin nito ang pangako ng kapuwa panig para sa kapayapaan.
Pagkaraang lagdaan ang naturang dokumento, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpahayag ng pagbati si Pangulong Benigno Aquino III sa kapuwa panig.
Salin: Liu Kai