|
||||||||
|
||
Noong ika-8 ng buwang ito, naganap ang kaguluhan sa Little Indya, isang lugar na panirahan ng mga Indyano sa Singapore na kinasangkutan ng halos 400 dayuhang manggagawa. Nagresulta ito ng pagkasugat ng isang tsuper ng bus,10 pulis, pagkasira ng limang police car, isang emergency bus, at ilang pribadong kotse.
Ang Singapore ay isang bansa sa Timog-silangang Asya na may maraming lahi, relihiyon at kultura. salamat sa magandang patakarang pangnasyonnalidad at mahigpit na batas at regulasyon, nananatiling maganda ang kaayusang panlipunan nitong mahabang panahon. Ang Riot na ito ay kauna-unahang kaguluhang naganap sa Singapore nitong 40 taong nakaraan.
Iniutos kahapon ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore sa Ministri ng mga Suliraning Panloob na buuin ang espesyal na lupon para suriin ang kaguluhang ito. Sinabi ni Lee na susuriin ng nasabing lupon ang dahilan ng kaguluhan at mga katugong hakbangin ng pulis habang nagaganap ang insidenteng ito. Bukod dito, tatayain ng lupong ito ang mga hakbangin ng pangangasiwa sa mga dayuhang manggagawa para mapigilan ang pag-ulit ng katulad na kaguluhan.
Ayon sa panig pulisya ng Singapore, ang naturang insidente ay nag-umpisa nang mabundol ng isang pribadong bus ang isang Indiano sa naturang lugar.
Ipinahayag ni Huang Jing, isang dalubhasa sa Asya at globalisasyon ng National University of Singapore, na sa kasalukuyan, isang milyong dayuhang manggagawa ang nagtatrabaho sa Singapore kung saan mayroong 5.4 milyong kabuuang populasyon. Ang naturang dayuhang manggagawa ay namamasukan, pangunahin na, sa industriya ng konstruksyon, manufacturing, at serbisyo. Kadalasan ang mga dayuhang manggagawa ay may mababang kita at katayuang panlipunan, mabigat na trabaho, hindi nakapagsasalita ng wikang lokal at may masamang kondisyon ng pamumuhay, napakataas ng presyur nila. Kaya, isang karaniwang traffic accident ay puwedeng magdulot ng malaking kaguluhan. Ngunit ipinakita nito ang pagputok ng mga problemang naipon sa mahabang panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |