Sa kanyang talumpati sa ika-68 Pangkalahatang Asemblea ng UN hinggil sa "Dagat at Batas ng Dagat," ipinaliwanag kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN ang mga paninindigan ng kanyang bansa.
Aniya, kumakatig ang Tsina sa mga gawain ng Commission on the Limits of the Continental Shelf alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at mga may kinalamang panuntunan, lalung-lalo na sa regulasyon ng UNCLOS na "nagsasaad na hindi nito susuriin ang mga kasong panghangganan na kasalukuyan pang pinag-aawayan." Ito aniya ay garantiya sa kalidad at propesyonalism sa pagsuri ng kaso ng paghahati ng hangganan.
Tinukoy din ni Liu na kumakatig ang Tsina sa mga pagsisikap ng International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) sa mapayapang paglutas sa mga hidwaang pandagat. Samantala, ipinalalagay ng delegasyong Tsino na hindi pa ibinigay ng UNCLOS at ITLOS statute ang full bench advisory competence ng ITLOS, kaya, umaasa ang delegasyong Tsino na lubos na isasaalang-alang ng nasabing Tribunal ang pagkabahala ng iba't ibang panig at seryosong hahawakan ang ika-21 kaso para maigarantiya ang legalidad at awtoridad nito.
salin:wle