Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

NHFPC ng Tsina, sisimulan ang Pilot Project ng equalization ng pundamental na serbisyong pangkalusugang pampubliko at family plnanning ng floating population

(GMT+08:00) 2013-12-11 17:47:22       CRI

Ayon sa National Health and Family Planning Commission ng Tsina o NHFPC na sa loob ng linggong ito, sisimulan ng NHFPC ang Pilot Project ng ibahagi sa lahat ang pundamental na serbisyong pangkalusugang pampubliko at family planning ng mga floating population sa Tsina. Ayon sa pagtaya, ang naturang proyekto ay maghahatid ng benebisyo para sa 20% na floating population ng Tsina.

Sa kasalukuyan, walang humpay na lumalaki ang floating population ng Tsina. Noong katapusan ng nakaraang taon, ang floating population ng Tsina ay umabot sa 236 milyon na 1/6 ng buong populasyon ng Tsina. Ang malaking saklaw ng migration ng mga tao ay nagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan, nagbabago ng estruktura ng populasyon, pero ito ay nagdudulot ng presyur at hamon sa pampublikong serbisyo at pamamahala sa lipunan ng pamahalaan.

Ipinahayag ni Wang Qian, Puno ng Departemanto ng Serbisyong Pangkalusugang Pampubliko ng NHFPC na sa kasalukuyan, sa larangan ng pagtatamasa ng pundamental na serbisyong pangkalusugang pampubliko, umiiral pa rin ang agwat sa pagitan ng floating population at lokal na mga residente. Sinabi niyang mayroong dalawang pangunahing dahilan ito: una, di-mabuti ang kasalukuyang kakayahan ng Tsina ng pagkakaloob ng kinauukulang serbisyo sa floating populasyon, ikalawa, mayroon ilang hadlang sa sistema na tulad ng kakulangan ng pondo.

Isinalaysay rin ni Wang Qian na ang naturang pilot project hinggil dito ay maghahatid ng benepisyo para sa 20% ng floating population ng Tsina. Sinabi ni Wang na sa buong bansa, pipiliin ng NHFPC ang 40 lunsod at rehiyon kung saan mataas ang bilang ng floating population.

Napag-alaman ng mamamahayag na ang naturang pilot project ay batay sa pilot project ng equalization ng pundamental na serbisyong pangkalusugang pampubliko hinggil sa family planning ng floating population sa Tsina na isinagawa noong 2010. Kumpara sa nakaraang pilot project, dinaragdagan ng pilot project na ito ang nilalaman sa 7 larangan na tulad ng pagsusulat ng file ng kalusugan ng floating populasyon, pagpapalakas ng pamamahala sa kalusugan ng bata at nagdadalang tao sa floating population at iba pa.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>