|
||||||||
|
||
Kahapon, sa Vientiane, kabisera ng Laos, ipininid ang Ika-19 na Ministeryal na Pulong sa Kooperasyong Pangkabuhayan ng Great Mekong Sub-region (GMS). Sa pulong, pinagtibay ang Plano para sa panrehiyong pamumuhunan, at nilagdaan ang Memorandum ng Understanding ng Union ng mga tren sa GMS.
Ang naturang pulong ay tumagal nang 2 araw, at ang tema nito ay "Pabutihin ang Planong Pangkooperasyon ng GMS, Pasulungin ang Mabilis na Pag-unlad ng Subregion". Bukod dito, tinatalakay sa pulong kung paano lalo pang pasulungin ang panrehiyong kooperasyon, integrasyon ng rehiyon at iba pang tema.
Lumahok sa naturang pulong ang mga kinatawan mula sa 6 na miyembro ng bansa na kinabibilangan ng Tsina, Laos, Kambodya, Myanmar, Thailand, Biyetnam, at mga kinatawan mula sa Asia Development Bank, mga kinauukulang organisasyong pandaigdig, at iba pang kinauukulang organo sa loob at labas ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |