|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ng kinauukulang namamahalang tauhan ng Ministry of Human Resources and Social Secuity of the People's Republic of China o MOHRSS, na komprehensibong natapos na ang target ng hanap-buhay para sa 2013. Sa hinaharap, isasagawa ng Tsina ang hakbangin ng unti-unting pagpapaliban ng retirement, at walang kontradiksyon sa pagitan ng naturang hakbangin at paghahanap-buhay ng mga kabataan. Ang pagbabago ng estruktura ng industriya ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa hanapbuhay.
Noong ika-5 dekada ng nakaraang siglo, itinakda ng Tsina na para sa mga lalaki, ang retiring age ay 60 taon; para sa mga babaeng civil servants, 55 taon; at para sa mga babaeng manggagawa, 50 taon. Pero, tumatanda ang populasyon ng Tsina, at ang naturang hakbangin ay hindi angkop sa kahilingan ng pag-unlad ng lipunan. Kamakailan, isiniwalat ni Hu Xiaoyi, Pangalawang Ministro ng MOHRSS na isasagawa ng Tsina ang hakbangin ng unti-unting pagpapaliban ng retirement.
Tinukoy ng ilang tao na naapektuhan ng naturang hakbangin ang paghahanap-buhay ng kabataan. Hinggil dito, ang pagbabago ng industriya ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa hanap-buhay.
Isinalaysay ni Hu na ang hakbangin ng unti-unting pagpapaliban ng retirement ay isa sa mga kapasiyahan ng reporma ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa kasalukuyan, ito ay nasa yugto ng paglilikom ng kuru-kuro ng iba't ibang kinauukulang panig. Ipinalalagay niyang dapat samantalhin ng mga kabataan ang pagkakataong dulot ng ageing society ng Tsina. Halimbawa, maaaring ipagkaloob ng mga kabataan ang serbisyo para sa mga katandaan. Sinabi niyang pasusulungin at kakatigan ng pamahalaan ang pagsasanay ng mga talento sa larangan ng pagkakaloob ng serbisyo para sa mga katandaan.
Isinalaysay ni Hu na komprehensibong natapos na ang target ng paghahanap-buhay ng Tsina sa taong 2013. Bukod dito, ayon pa sa estadistika na ipinalabas ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina na sa susunod na taon, ang mga magtatapos sa mga unibersidad ay aabot sa 7.27 milyon na lilikha ng bagong rekord sa kasaysayan. Isinalaysay ni Xin Changxing, Pangalawang Ministro ng MOHRSS na isasagawa ng MOHRSS ang isang serye ng mga hakbangin para mapasulong ang paghahanap-buhay ng mga nagtapos sa pamantasan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |