|
||||||||
|
||
Kamakailan, sa ASEAN-Japan Commemorative Summit, binatikos ni Abe ang di-umanong unilateral na pagbabago ng Tsina sa status quo ng East China Sea, at sinabi niyang ang Air Defense Identification Zone ng Tsina sa East China Sea ay makakapinsala sa kalayaan sa paglipad sa himpapawid ng international waters.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na lubos na di-nasisiyahan ang Tsina sa naturang ginawa ng lider na Hapones na nanirang-puri sa Tsina sa pandaigdig na arena.
Binigyang-diin ni Hong na ang Diaoyu Islands sa East China Sea ay likas na teritoryo ng Tsina. Aniya, sa simula ng nagdaang taon, naghasik ang Hapon ng mga hidwaan hinggil sa islang ito, at ang Hapon nga ang gustong bumago sa kasalukuyang kalagayan ng East China Sea.
Pagdating naman sa pagdedeklara ng Tsina ng Air Defense Identification Zone sa East China Sea, sinabi ni Hong na ito ay hakbanging pandepensa lamang ng Tsina para pangalagaan ang seguridad sa himpapawid ng bansa. Ito aniya ay angkop sa pandaigdig na batas at norma, at hindi makakaapekto sa kalayaan sa paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid ng iba't ibang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |