Dahil sa pagpapataw ng Amerika ng bagong round ng sangsyon laban sa Iran, inihinto kamakalawa ng delegasyon ng Iran ang talastasan hinggil sa isyung nuklear na idinaraos sa Geneva sa pagitan ng mga eksperto ng Iran at mga may kinalamang bansa.
Kaugnay nito, tinukoy ng mga tagapag-analisa, na ang sangsyon ng Amerika at reaksyon dito ng Iran ay makakaapekto sa pagpapatupad ng unang yugtong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na narating noong ika-24 ng nagdaang Nobyembre. Pero anila, hindi sigurado kung gaanong kalaki ang epektong ito.
Ipinalalagay din ng mga tagapag-analisa, na umaasa ang komunidad ng daigdig na mararating ang pinal na kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, kaya sa kasalukuyang sensitibong panahon, dapat iwasan ng iba't ibang bansa ang mga aksyong makakapinsala sa atmospera ng talastasan.