Ipinatalastas kahapon ni Pansamantalang Pangulong Adly Mansour ng Ehipto, na idaraos sa ika-14 at ika-15 ng Enero ng susunod na taon ang reperendum sa bagong Konstitusyon ng bansa.
Nanawagan din si Mansour sa lahat ng mga mamamayan ng Ehipto na lumahok sa naturang reperendum. Ayon pa rin sa kanya, ginawa na ang burador ng bagong Konstitusyon.
Ang reperendum sa bagong Konstitusyon ay itinuturing na mahalagang hakbang sa transisyonal na panahon ng Ehipto. Batay sa roadmap sa transisyon na itinakda ng panig militar ng Ehipto, pagkaraang balangkasin ang bagong Konstitusyon, saka lamang maidaraos ang halalan ng bagong pangulo at parliamento.