Sa paanyaya ni Purnomo Yusgiantoro, Ministro ng Depensa ng Indonesya, dumating kagabi sa Jakarta si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, para pasimulan ang opsiyal na dalaw na pangkaibigan sa Indonesya.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, sinabi ni Chang na ang pagpapalakas pa ng kooperasyong pangkaibigan ng mga tropa ng Tsina at Indonesya ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan. Ito aniya ay makakabuti rin sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyong ito. Nagpahayag si Chang ng pag-asang malaliman siyang makikipagpalitan ng palagay sa mga lider ng estado at tropa ng Indonesya, hinggil sa bilateral na relasyon, at iba pang mga mahalagang isyu, para ibayo pang mapasulong ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai