Ipinatalastas kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa unang dako ng Enero ng susunod na taon, idaraos sa Beijing ang unang pulong ng lupong tagapagkoordina sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Kambodya. Aniya, mangungulo sa pulong na nabanggit sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Hor Namhong, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya.
Sinabi ni Hong na ang pangunahing tungkulin ng nabanggit na lupon ay komprehensibong pagpapasulong sa kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa iba't ibang larangan, at pagkokoordina sa mga malaking suliranin sa loob ng kooperasyon. Dagdag pa niya, sa unang pulong ng lupong ito, ipapaplano ng dalawang panig ang pagpapaunlad ng kanilang relasyon sa susunod na yugto.
Salin: Liu Kai