Ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na may 6 na namumukod na gawain ang Ministrong Panlabas ng Tsina sa taong 2013: Una, itinaas sa bagong yugto ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya; ikalawa, pumasok sa bagong yugto ng magkasamang pagtatatag ng bagong relasyon ng mga malaking bansa ang Tsina at Amerika; ikatlo, lumikha ng bagong kalagayan sa diplomasiyang pangkapitbansa; ika-apat, tumahak sa bagong antas ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Tsina at mga umuunlad na bansa; ikalima, gumanap ang Tsina ng papel bilang isang malaking responsableng bansa; ika-anim, natamo ang bagong bunga ng Tsina sa pangangalaga sa interes ng bansa.
Salin: Andrea