Nanawagan kagabi sa kanyang mga tagapagsuporta si Suthep Taugsuban, lider ng demonstrasyong kontra-gobyerno ng Thailand, na idaos sa ika-22 ng buwang ito ang malawakang demonstrasyon, para pabagsakin ang care-taker cabinet ni Yingluck Shinawatra.
Ayon sa iskedyul na itinakda ng Lupong Elektoral ng Thailand, sisimulan sa ika-23 ng buwang ito ang pagpapatala ng mga kandidato ng halalan ng mababang kapulungan. Sinabi ni Taugsuban na pipigilan nila ang halalang ito, dahil gusto nilang isagawa muna ang repormang pulitikal, saka lamang idaraos ang halalan ng mababang kapulungan.
Tumatagal na nang halos 50 araw ang demonstrasyong kontra-gobyerno sa Thailand, at iniharap ng mga demonstrador ang kahilingang magbitiw si Shinawatra ng tungkulin bilang punong ministro ng care-taker cabinet. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Shinawatra na walang batayan sa batas para sa kanyang pagbibitiw, at hindi siyang magbibitiw hanggang bubuuin ang bagong pamahalaan.
Salin: Liu Kai