Sa kapapalabas na estratehiya ng paggarantiya sa pambansang seguridad ng Hapon, sinabi nitong ang Takeshima Islands o tinatawag na Dokdo Islands sa Timog Korea ay lugar na may pinagtatalunang soberanya, at dapat lutasin ang isyung ito sa pandaigdig na hukuman.
Kaugnay nito, nagpahayag kahapon ng pagkondena ang tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng T.Korea. Aniya, lubos na ikinalulungkot ng pamahalaan ng T.Korea ang paggigiit ng Hapon sa pag-angkin sa soberanya sa Dokdo Islands. Dagdag niya, dapat tumpak na pakitunguhan ng Hapon ang kasaysayan, at bawiin ang nabanggit na posisyon.
Salin: Liu Kai