Dumalaw kamakailan si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos sa Biyetnam at Pilipinas at ipinahayag niya ang kanyang paninindigan hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS).
Tungkol dito, ipinahayag ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na laging naninindigan ang kanyang bansa sa paglutas sa isyu ng SCS sa pamamagitan ng talastasan ng mga direktang may kinalamang panig. Umaasa aniya ang Tsina na susundin ng ilang bansa ang kanilang may kinalamang pangako hinggil sa pagiging neutral sa isyu ng SCS. Inaasahan din aniya ng Tsina na gagawa ang nasabing mga bansa ng mga bagay-bagay na makakabuti sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon, at pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
salin:wle