|
||||||||
|
||
GINANAP sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang isang briefing tungkol sa binabalak ng Pilipinas na gawin upang makabawi ang milyun-milyong mga Pilipinong napinsala ni super typhoon "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre. Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng diplomatic corps at international humanitarian partners sa briefing nagsimula mga ika-siyam ng umaga at nagtapos halos mga ika-labing dalawa ng tanghali.
PANGULONG AQUINO, DUMATING SA DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS. Nagsalita si Pangulong Aquino sa harap ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa upang ihayag ang prayoridad ng pamahalaan sa ilalim ng Reconstruction Assistance on Yolanda (RAY). (Malacanang Photo)
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Kalihim Albert F. del Rosario na desidido ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na isulong ang palatuntunang titiyak ng pagbabago, kabilang na rin ang mithiin ng bansang tumutugon sa hamon ng pagbabago sa klima.
Binigyang-diin ni Kalihim del Rosario na sa pakikipagtulungan ng international community na kinabibilangan ng mai-aambag sa pambansang budget na kinabibilangan ng mga nakalaang salapi para sa mga taong 2013 at 2014.
NANGUNGUNA SA PRAYORIDAD NI PANGULONG AQUINO ANG PABAHAY AT HANAPBUHAY. Sinabi ni Pangulong Aquino sa harap ng international humanitarian partners na kanyang layuning mabigyan ng ligtas na matitirhan at mga hanapbuhay ang mga biktima ni "Yolanda" sa Central Philippines. Umabot sa P 571 bilyon ang pinsala ni "Yolanda" sa mga ari-arian at pagawaing-bayan. (Malacanang Photo)
Sa liderato ni Pangulong Aquino at sa tulong ng pandaigdigang komunidad, nakatitiyak si Kalihim del Rosario na matagumpay na mapapatakbo ang Reconstruction Assistance on Yolanda na magpapatotoo sa pangako ni Pangulong Aquino.
Nanawagan siya sa mga dumalo na lumahok sa renewal, rebuilding at pangpapasiglang muli ng central Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |