UMABOT ang poverty incidence sa mga lalawigang apektado ni "Yolanda" sa 30.5% noong nakalipas na taon. Sa mga lalawigang tinamaan ni "Yolanda" ay naglalaro sa 22.7% sa Cebu hanggang 63.7% sa Silangang Samar.
Tinataya ng Asian Development Bank ang pagtaas sa pambansang poverty incidence ng may 1.9% mula kay "Yolanda." Ang kawalang ito ay maaaring magmula sa sahod sa pagsasaka at 'di pagsasaka, entrepreneurial activity (agricultural o non-agricultural) at transfers.
Kung isasama sa datos ang mga taong nawalan ng hanapbuhay o pagkakataong kumita dahilan sa bagyo, aabot sa isang milyon katao ang mapapadagdag sa mahihirap.