|
||||||||
|
||
DUMALAW sa Eastern Visayas si US Secretary of State John Kerry kanina at nakausap sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Ambassador to Washington Jose Cuisia, National Disaster Risk Reduction and Management Council Undersecretary Eduardo del Rosario at Congressman Martin Romualdez kasama si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.
Ayon sa pahayag ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila, kinilala rin ang mga "bayani" na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Inihayag ni Secretary Kerry na maglalabas ang kanyang pamahalaan ng US$ 25 milyon ng humanitarian assistance. Sa karagdagang halagang ito, halos $87 milyon ang nailabas ng America para sa relief effort at magdaragdag ng pagkain, kagamitan sa pagtatayo ng bahay, malinis na tubig, hygiene education at supplies para sa mga biktima ng bagyo.
Mayroon umanong public-private partnership sa mga kumpanyang Amerikano tulad ng Procter & Gamble at Coca-Cola na magbibigay ng higit sa 2,000 mga sari-sari store upang maayos, madagdagan at mabuksang muli ang kalakal.
Kahapon ay nakausap naman niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Kalihim Albert F. del Rosario at pinag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa Framework Agreement negotiations, regional security at economic relations ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |