Kahapon, muling nanawagan si Jay Carney, tagapagsalita ng White House ng Estados Unidos (E.U.) sa Afghanistan na lalagada ng Bilateral na Kasunduan ng Seguridad ng dalawang panig. Sinabi niyang ang pag-urong ng tropa ng E.U.ay hindi angkop sa kapakanan ng Afghanistan.
Sa regular na preskon, sinabi ni Carney na kung hindi maaaring malalagdaan ang kasuduan, sisimulan ng E.U. ang kinauukulang plano sa 2014 na iurong sa Afghanistan ang tropa ng E.U. at North Atlantic Treaty Organization, NATO.
Sinabi ni Carney na ito ay prospek na hindi inaasahan ng E.U. at ito ay hindi angkop sa kapakanan ng Afghanistan. Binigyan-diin niyang tapos na ang kinauukulang talastasan at hindi babaguhin ng E.U. ang kasunduan.
Nang araw rin iyon, hinimok rin ni Marie Harf, tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang Afghanistan na lagdaan ang kasunduan sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah