|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Maynila ni Ma Keqing, papaalis na Embahador ng Tsina sa Pilipinas ang kanyang pag-asang bumuti ang relasyon ng Tsina at Pilipinas.
Nang banggitin ang relasyong Sino-Pilipino, sinipi ni Embahador Ma ang isang salawikaing Tsino na nagsasabing "hawiin ang ulap para makita ang sikat ng araw."
Sa kanyang talumpati sa respesyon bilang pamamaalam at pasasalamat sa mga kaibigang Pilipino, sinabi ni Embahador Ma na ang pagbibigay-tulong ng Tsina sa mga biktima ng Yolanda (international name: Haiyan) ay muling nagpakita ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina't Pilipinas. Aniya, nananangan ang Pamahalaang Tsino sa patakarang diplomatiko ng pakikipagmabutihan at pakikipagkatuwangan sa mga kapitbansa. Batay rito, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon nito sa Pilipinas at nakahanda ang Tsina na tumpak na lutasin, kasama ng Pilipinas, ang mga pagkakaiba para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Lumahok sa nasabing resepsyon sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Pangulo at kasalukuyang Alkalde ng Maynila Joseph Estrada, ang mga opisyal ng Pamahalaang Pilipino at ang mga kinatawan mula sa mga samahang Tsinoy.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |