Ipininid kahapon sa Beijing ang dalawang araw na ika-24 na Pulong ng Magkasanib na Komisyon sa Komersyo at Kalakalan ng Tsina at Amerika.
Sa pulong na ito, tinalakay ng dalawang panig ang mahigit 40 paksa sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, at iba pa, at narating nila ang maraming komong palagay. Sa prekson pagkatapos ng pulong, positibo ang kapwa panig sa mga natamong bunga, at umaasa silang batay sa mga ito, makakapagbukas ng bagong kalagayan ng kooperasyong Sino-Amerikano.
Ayon sa salaysay, sa naturang pulong, narating ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa pagluluwas ng Amerika ng karne ng baka sa Tsina, at pagluluwas ng Tsina ng lutong karne ng poltri sa Amerika. Sumang-ayon din silang pasulungin ang kooperasyon sa mga mahalagang aspekto ng kalakalan sa high-tech. Ipinahayag ng panig Tsino na pabibilisin ang talastasan hinggil sa paglahok sa Government Procurement Agreement ng World Trade Organization, at palalakasin ang pangangalaga sa business secret ng mga kompanyang Amerikano. Inulit naman ng panig Amerikano ang pangako sa pantay-pantay na pakikitungo sa Tsina sa sistema ng restriksyon sa pagluluwas nito, at ipinahayag din ang pagtanggap sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Amerika.